3 sasakyan nagkarambola sa SLEX: driver kritikal, 1 pa sugatan

DALAWANG lulan ng isang closed van Isuzu Forward ang sugatan makaraang bumangga sa sinisundang 10-wheeler truck at ma-sandwhich ng sumusunod sa kanyang pampasaherong bus sa South Luzon Express Way (SLEX) Southbound bago dumating ng Calamba Exit.

Batay sa imbestigasyon ng Highway Patrol Group ng SLEX, naka-idlip ang driver ng closed van kaya ito bumangga sa sinusundang truck pasado alas 5:00 ng umaga.

Matapos bumangga ay umikot ang van kaya nakabangga din nito ang nakabuntot na HM Bus.

Nabatid na isinugod sa San Jose Trauma Hospital sa Calamba ang driver na malubha ang kalagayan at ang pahinante nito na nagtamo ng minor injury.

Inabot din ng mahigit isang oras bago matanggal ang tatlong sasakyan sa pinangyarihan ng insidente na bahagyang nagdulot ng traffic kanina.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply