3 sawa na nahuli sa QC ibinigay sa Manila Zoo

IPINAGKATIWALA na kaninang umaga (Pebrero 3) sa Manila Zoo ang tatlong malalaking pinaniniwalaang gutom na sawa (pythons) na nahuling magkakasamang gumagala sa loob ng bakuran ng isang bahay sa Quezon City kahapon (Huwebes, Pebrero 2).

Ayon sa may-ari ng bahay na si Larry Tornea, 38-anyos at residente ng Project 8, Quezon City, hindi nila ito kayang alagaan o ibenta para pagkakitaan at minabuting ipagkatiwala na lamang nila sa awtoridad na mas bihasang magkupkop sa ganitong uri ng hayop.

Bukod pa rito, wala rin silang maaaring paglagyan ng mga sawa at poproblemahin pa kung paaano nila ito pakakainin na aniya ay dagdag gastos para sa kanila.

Simula rin aniya nang mahuli nila ang tatlong sawa ay hindi na siya makatulog sa takot na makakawala ito sa pansamatalang kulungan na kanilang gigawa at siya pa ang masisi kapag nakapambiktima ng tao.

Isa aniya sa tatlong sawa ay may sukat na 15 talampakan at ang kasarian nito ay lalaki habang ang dalawa naman na may sukat lamang ng sampung (10) talampakan ay kapwa naman babae.

Isa pang sawa naman na may habang ring 15 feet long ang nakahulapos sa kamay ng mga residente matapos mablis na nakapasok agad sa kanyang dating lunggga.

Ayon naman kay Dr. Marines Lagarto, isang veterinarian ng Manila Zoo, posibleng naghahanap ng malilingkis at makakain ang mga sawa o naghahanap ng malilipatang lugar sanhi ng pagbabago ng klima.

Pinayuhan naman agad ni Lagarto ang publiko na ipagbigay-alam agad sa awtoridad kapag sila ay nakakita ng ahas sa loob ng kanilang bakuran.

“Ang sawa kasi, walang poison pero nanglilingkis siya. Habang kumikilos ka, lalong humihigpit ‘yung lingkis niya hanggang hindi ka na makahinga kaya delikado ito sa mga bata,” pahaya ni Lagarto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply