30 bahay nilamon ng apoy sa Kyusi

HABANG papalapit ang Fire Prevention month isa naman magkakasunod na sunog ang naganap matapos tupukin ng apoy ang may 30 kabahayan sa Quezon City kagabi (Linggo, Pebrero 26).

Ayon sa ulat ni Fire Senior Supt. Bobby Baruelo, QC Fire marshall naganap ang unang sunog dakong 8:00 ng gabi sa Esteban Abada, Loyola Heights, QC.

Nabatid sa pagsisisyasat na nagsimula ang sunog sa umano’y pinaglaruang kandila sa isang bahay ng isang Larry Dello.

Sinabi pa sa ulat ng BFP na umabot ang sunog sa ikatlong alarma bago ganap na nakontrol dakong 8:55 ng gabi.

Pansamantalang inilikas ang mga nasunugang residente sa covered court ng barangay hall matapos maapektuhan ang ilang pamilya.

Isa pang sunog ang naganap matapos tupukin ng apoy ang tatlong bahay sa Mabintuan Tuktukan, Masambong, QC kagabi .

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang halaga ng pinsala sa dalawang magkahiwalay na sunog.

Wala namang iniulat na nasugatan o nasawi sa magkasunod na sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply