30 distressed OFW pauuwiin mula Jordan

MAY 30 overseas Filipino workers mula sa bansang Jordan ang nakatakdang pauwiin sa bansa sa susunod na dalawang linggo, ayon sa Department of Labor and Employment (Dole).

Sa kanilang news release, sinabi ng Dole na ang 30 ay kabilang sa mga OFW na kasalukuyang nanunuluyan sa Filipino Workers Resource Center sa Amman, Jordan.

Inatasan naman ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz, si POLO Office-In-Charge Welfare Officer Mario Antonio na makipag-ugnayang mabuti sa embahada ng Pilipinas sa Amman gayundin sa mga lokal na awtoridad sa Jordan labor ministry at immigration  para sa mabilis na repatriation.

Maging ang lahat ng Philippine Overseas Labor Offices ay inatasan na rin ng kalihim  na madaliin ang pag-asikaso sa kanilang mga kaso laban sa mga illegal recruiters at human traffickers.

“I want immediate results on cases that are clearly solvable if only you can build them up with detail that can stand before the courts,” ayon kay Baldoz.

Sa ngayon ay may 25,000 OFW sa Jordan kung saan 4.2 porsiyento rito ang total migrant workers.

Maraming OFW sa Hashemite Kingdom ay household service worker kung saan karamihan sa kanila ay iligal at undocumented at madalas na inaabuso ng mga employer.

Ito rin umano ang  dahilan kung bakit nagpalabas ng deployment ban ang Pilipinas  noong 2001. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply