300 bata nabiyayaan sa gift giving ng NPC, AFIMA

AABOT sa mahigit 300 bata ang nasiyahan nang magsagawa ng gift giving ang National Press Club (NPC) at Alyansa ng Filipinong Mamamahayag (AFIMA) sa Intramuros, Manila.

Pinangunahan nina Benny Antiporda, pangulo ng AFIMA at Gerry Yap, pangulo ng NPC at ilang miyembro ng Board of Directors ng NPC ang pagbibigay ng grocery item sa mahigit 300 bata na nakatira sa mga barung-barong sa paligid ng Intramuros, Manila.

Layunin ni Antiporda na bigyang kasiyahan ang mga bata, dahil bukod sa grocery item na ipinamahagi sa mga ito ay nakatanaggap din sila ng mga kuwaderno at ilang gamit sa eskuwela

Nabatid na ito ang pasimula ng kasiyahan na ibibigay ni Antiporda para sa kanyang darating na kaarawan sa Pebrero 16, kasabay ng ika-20 anibersaryo ng pahayagang Remate.

Kaugnay nito, bukas (Pebrero 12) ay magkakaroon din ng motorcade na iikot sa Kalakhang Maynila na magsisimula sa compound ng NPC, dakong 10:00 ng umaga at aabot hanggang sa Monumento sa Caloocan City hanggang sa Quezon City.

Lalahukan ito ng mga staff ng Remate at Bagong Toro at ng mga miyembro ng Pinoy Hot Line Rider Club (PHLRC).

Tinatayang nasa mahigit 500 ang sasali sa nasabing motorcade parade sa pangunguna pa rin ni Antiporda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply