300 bata nabiyayaan sa NPC gift giving

AABOT sa mahigit 300 bata ang nasiyahan nang magsagawa ng gift giving ang National Press Club sa Intramuros, Manila.

Pinangunahan ni Benny Antiporda, pangulo ng Alyansang Mamamahayag at ni Gerry Yap, pangulo ng National Press Club, at ilang miyembro ng Board of Directors ng NPC ang pagbibigay ng grocery item sa may mahigit na 300 bata na nakatira sa mga barung-barong sa paligid ng Intramuros, Manila.

Layunin ni Antiporda na bigyang kasiyahan ang mga bata, dahil bukod sa grocery item na ipinamahagi sa mga ito ay nakatanaggap din sila ng mga kuwaderno at ilang gamit eskuwela

Nabatid na ito umano ang pasimula ng kasiyahan na ibibigay ni Antiporda para sa kanyang darating na kaarawan sa Pebrero 16, kasabay ng ika 20 anibersaryo ng pahayagang Remate.

Kaugnay nito, bukas (Pebrero 12) ay sisimulan din ang motorcade na iikot sa kalakhang Maynila na nagsimula sa compound ng NPC ng 10:00 ng umaga at aabot hanggang sa Monumento sa Caloocan City hanggang QC.

Lalahukan ito ng mga staff ng Remate at Bagong Toro at ng mga miyembro ng Pinoy Hot Line Rider Club (PHLRC).

Tinatayang nasa mahigit 500 ang sasali sa nasabing motorcade parade sa pangunguna pa rin ni Antiporda. Rene Crisostomo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply