3,000 pamilyang iskwater binigyan ng bahay

UMAABOT sa 3,000 iskwater sa Puerto Princesa ang nailipat at nabigyan ng bahay sa tulong ng turismo, ayon kay Assistant City Administrator Rebecca Labin.

Ani Labin, mga mahihirap at ethnic groups ang higit na nakikminabang sa pagdagsa ng mga turista sa kanilang siyudad.

Halos lahat umano ng kinikita nila ay nauuwi sa SSS, Philhealth at iba pang benepisyo ng mamamayan lalo na ang mga nangangailangan.

Ani Labin, iniutos ni Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn na unahin ang kapakanan ng mamamayan dahil sila umano ang may-ari ng siyudad.

Sinuman umanong pupunta sa kanilang lugar, Pilipino man o foreigner, ay mga bisita lamang na dadalaw pansamantala at aalis din makaraan ang ilang araw.

Tinatayang umaabot sa 1,500 ang bilang ng mga dumarating na bisita sa Puerto bawat araw ngayong hindi pa kasagsagan ng turismo.

Ngunit sa summer, posible umanong umakyat sa 25 hanggang 50% ang bilang ng mga bumisita sa Puerto.

Inamin din ni Labin na nagiging problema nila ang akomodasyon sa mga ito kaya tuluy-tuloy ang konstruksyon ng mga hotel.

Nilimitahan din umano ang bilang ng mga bibisita sa Puerto Princesa Underground River sa 780 katao bawat araw upang hindi makasira sa ecosystem ng flora at fauna na endemic o doon lamang nakikita sa nasabing lugar.

Desisyon umano ito ng mga environmentalist at nga non-government organizations upang mapangalagaan ang mga mahigit limang milyong paniking naninirahan sa loob ng mga kuweba ng PPUR. Nenet L. Villafania

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply