352 local bills pasado na sa Kamara

INAPRUBAHAN na ng Kongreso ang 352 local bill na may kinalaman sa edukasyon, kalusugan at kalikasan, livelihood at sustainable development programs, sa ikatlo at huling pagbasa sa unang regular session.

Pinuri ni Speaker Feliciano Belmonte, Jr. ang kanyang kapwa kongresista sa kanilang pagsisikap na maibigay sa kanilang mga constituent ang mga pangangailangan sa kanilang nasasakupang lugar.

Sa kalikasan, ang reforestation ng mahigit 3,000 ektarya ng public land, ang pagpapataw ng logging at mining ban sa Cagayan de Oro City. Ideneklara rin mining free zone ang lalawigan ng Romblon habang idineklarang protected areas ang ilang lugar sa Surigao del Norte at Antique.

Pinalalago din ang industriya ng pangisdaan sa lalawigan ng Tawi-Tawi sa pamamagitan ng pag-apruba ng isang panukalang batas na magtatayo sa fish processing plants at trading center para sa marine and agricultural products sa mga angkop na lugar sa lalawigan, bukod pa ang panukalang batas na magpapaganda sa paliparan sa munisipalidad ng Mapun sa kapital ng Bangao, Tawi-Tawi.

Isang seaweed processing plant ang itatayo sa Indanan, Sulu habang fish port naman ang itatayo sa munisipalidad ng San Roque at Gamay sa lalawigan ng Northern Samar. Gayundin ang Fisheries and Aquatic Resources Center sa Roxas City, Capiz; sa munisipyo ng Lebak, Sultan Kudarat; at sa munisipalidad ng Leganes sa Iloilo. Ang pagtatayo ng Mariculture Development Parks sa sampung munisipalidad ng Catanduanes at lima sa mga munisipyo ng Northern Samar.

Ang pagtatayo ng research stations para sa fish breeding at hatcheries para sa grouper, prawn, lobster, crab at iba pang high value marine species sa munisipalidad ng Dapa, Del Carmen, Socorro at Pilar sa Surigao del Norte.

Bilang suporta naman ng gobyerno sa “anti-drug use campaign,” ay inaprubahan ang pagtatayo ng Drug Rehabilitation Centers sa munisipalidad ng Pili, Camarines Sur; Bangao, Tawi-Tawi; at San Jose, Occidental Mindoro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply