$4.34B ipinadalang pera ng mga marino sa PHL

UMABOT sa kabuuang US$4.340 bilyon ang ipinadalang pera sa Pilipinas ng mga marinong nagtra-trabaho sa ibang bansa, ayon sa datos ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).

Sinabi pa ni TUCP president at dating senador Ernesto Herrera na ang nasabing remittance ay mas mataas ng 14 porsiyento sa US$3.806B na ipinadala ng mga marino noong 2010.

Ayon pa kay Herrera, umangat ng tatlong beses ang perang ipinadala ng mga marino saa kanilang pamilya sa Pilipinas kumpara sa ni-remit ng mga land-based overseas Filipino worker (OFW).

“Ang mataas na bilang ng mga marino sa ibang bansa, at ang pagbaba ng halaga ng dolyar kumpara sa peso ang dahilan sa mataas na remittance,” dagdag pa ni Herrera.

Aniya, umaabot sa 375,000 ang Pinoy seaman sa buong mundo, ika-apat na bahagi sa kabuuan ng mga nagtra-trabahong marino sa buong mundo.

Sa hanay ng mga bansa, nanguna ang mga Pilipinong marino na nakabase sa Estados Unidos sa laki ng ipinadalang pera sa Pilipinas sa halagang US$2.437B; pangalawa ang Norway, $294.076 million; United Kingdom, $285.754M; Japan, $268.414M; Germany, $211.916M; Greece, $192.527M; Singapore, $175.312M; Hong Kong, $72.341M; Cyprus, $53.294M; at The  Netherlands, $44.889M.

Ayon naman sa Banko Sentral ng Pilipinas (BSP), umabot sa kabuuang $20.116B ang naipadalang pera sa Pilipinas ng mga OFW, mas mataas sa S1.354B na pinadala noong 2010. Freddie Cortez

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply