4-anyos hinalay ng menor-de edad na tiyuhin

ISANG apat na taong gulang na batang babae ang pinagsamantalahan ng kanyang menor na edad na tiyuhin sa Northern Mindanao.

Ang biktima ay itinago sa pangalang ‘Candy’ na nagsumbong sa kanyang ina na ginahasa siya ng suspek na itinago rin sa pangalang Hernan.

Batay sa ulat ng pulisya kahapon (Pebrero 19), kakagising lamang ng bata at walang tao sa kanilang bahay, nang lapitan siya ng suspek.

Puwersahang hinbaran ang paslit at sapilitang ipinasok ng batang tiyuhin ang ari sa puwerta ng biktima.

Iniwan ng ina ang biktima dahil may tiwala ito sa kanyang kamag-anak.

Ayon sa doktor ng Northern Mindanao Medical Center, tagumpay na nagahasa ng suspek ang biktima dahil napunit ang ari nito.

Maliban dito, nakakuha rin ng semilya ng suspek sa ari ng bata matapos ang ginawang pagsusuri ng mga doktor.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply