4 siklistang Pinoy aarangkada sa Olympics

AARANGAKADA na ang karagdagang apat na Pilipinong siklista na lalahok sa 30th Summer Olympic Games sa London.

Gagawin ang quadrennial meet sa darating na Hulyo 27 hanggang Agosto 12.

Ang apat ay kinabibilangan ng magkapatid na homegrown talents na sina Joey Barba at Eleazar Barba, na mga papadyak sa downhill at cross country ng mountain bike at ang world-class Fil-Ams na sina Alexis Vergara at Daniel Caluag na mga kakasa naman sa B-M-X.

Sa pagkakataong ito, pinayagan na ng International Olympic Committee (IOC) ang International Cycling Union na magkaroon ng mga kinatawan ng tig-iisang kalahok ang mga mahihirap na bansa o ang mga nabibilang sa third world countries. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply