40 kph speed limit inalmahan

INALMAHAN ngayon ng mga operator ng mga kompanya ng pampasaherong bus ang programa ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang 40 kilometer per hour (khp) na speed limit ng sasakyan sa mga lansangan sa Metro Manila, lalo na sa Edsa.

Sinabi ng mga bus company, na walang ginawang consultation sa naturang programa ng (DOTC) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Kahapon (Pebrero 27) sinabi ni Transportation and Communications Secretary Mar Roxas na nakatakda nilang ipatupad sa Marso 1 ang 40kph na speed limit upang maiwasan ang aksidente sa kalsada na madalas humahantong sa trahedya.

Idiniin ni Roxas na mabigat na parusa ang naghihintay sa lalabag sa naturang patakaran.

“Buong fleet ang papatawan ng parusa,” saad ni Roxas.

Maglalagay din aniya sila ng speed limiter gadget sa mga bus para matukoy ang lalabag sa naturang patakaran at panuntunan.

Ayon sa mga bus operator at drivers, na sobrang bagal at malamang liliit ang kita ng mga bus kapag ipinatupad ang nabanggit na speed limit.

Nasa 60kph ang kasalukuyang speed limit sa ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila gaya sa Commonwealth Avenue.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply