40 kph speed limit sa MM buses ipatutupad sa Marso

UPAGNG maiwasan ng madugong aksidente sa mga sasakyan at pinsala sa ari-arian, ipatutupad na ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang maximum 40 kph speed limit sa mga pampasaherong bus sa Metro Manila.

Ipinahayag ni Transportation and Communications Secretary Mar Roxas, ang pagpapatupad ng speed limit para maiwasan, hindi man maalis, ang mga aksidente sa naturang lugar.

Kasabay nito, lalagyan ng mga speed gadget ang mga bus upang ma-monitor kung nakasusunod ito sa itinakda ng DOTC.

Ayon pa sa kay Roxas, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang magpapatupad nito.

Nilinaw pa ni Roxas na sa darating na Disyembre ang full implementation ng 40 kph para sa may 4,000 pampasaherong bus sa Metro Manila at matapos ito, isususunod naman ang may 7,000 bus na bumibyahe sa probinsya.

Mahigpit ding ipinatutupad ang paglalagay ng speed limiter device sa bawat bus na nagkakahalaga ng P10,000.

Ayon naman kay LTRFRB Chairman Jaime Jacob, pinag-aaralan na nila na ang magiging parusa sa mga hindi susunod sa speed limit, at tataasan nila ang multa. Kabilang din sa posibleng parusa ay suspensyon at kanselasyon ng prangkisa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply