41 OFWs mula Syria nakauwi na sa bansa

DUMATING na ngayong hapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang panibagong batch ng overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Syria na sumunod sa mandatory repatriation program ng pamahalaan.

Ayon kay Administrator Carmelita Dimzon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), may kabuuang 41 OFWs ang dumating kaninang alas-4 ng hapon sakay ng Emirates Air flight EK 332 mula sa Syria.

Sinabi ni Dimzon na umaasa sila na madaragdagan pa ang OFWs na darating mula sa naturang bansa matapos ang puspusang pakikipag-ugnayan ng binuong grupo ng pamahalaan na kinabibilangan ng mga kinatawan ng Department of Foreign Affaris, Department of Labor and Employment at OWWA sa kanilang employers.

Ang mga opisyal ng OWWA ang nagbigay ng ayuda sa dumating na OFWs upang mabilis na maproseso ang kanilang dokumento sa immigration at customs na nakatalaga sa pambansang paliparan bago sila pansamantalang pinatuloy sa halfway house ng OWWA sa Pasay City.

Idinugtong pa ni Dimzon na ang dumating kanina ang ikalawang batch ng OFWs na kasama ng 35  domestic helper na naunang dumating kahapon.

Sa kabuuan, umaabot na sa 782 ang OFWs mula sa Syria ang napapauwi ng pamahalaan mula nang lumala ang kaguluhan sa naturang bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply