44 milyon Pinoy dumaranas ng ‘lifestyle diseases’

UMAABOT sa 44 na milyon Filipino ang dumaranas ng tinatawag na “lifestyle diseases,” ayon sa datos ng National Nutrition and Health Survey (NNHeS).

Ito ang ikinaalarma ngayon ni Senador Manny Villar.

Dahil dito, hinilig ng senador sa Senate committee on health and demography na repasuhin ang polisya ng pamahalaan kaugnay sa pangangalaga ng kalusugan ng publiko.

Nakapaloob ito sa resolusyong inihain ni Villar makaraaang mabatid na umaabot na sa milyong Pinoy ang dumaranas ng lifestyle diseases.

Kabilang sa sinasabing lifestyle diseases ay ang sobrang pag-inom, paninigarilyo, kawalan ng ehersisyo, kawalan ng healthy diet at ang malinis na pamamahay ang pangkaraniwang pinagmumulan ng iba’t ibang karamdaman dahil sa istilo ng kanilang pamumuhay.

Nabatid sa ulat ng (NNHeS) na umaabot sa 44 milyon na Pinoy ang obese, hypertensive, dyslipidemic, diabetic at smoker kung kayat nanganganib sila sa mga sakit na tulad ng hypertension, high fasting blood sugar (FBS) at high cholesterol na kalimitang pinagmumulan ng mga komplikasyon sa cardiovascular disease at diabetes.

Naglabas din ng kaparehong impormasyon ang Food and Nutrition Research Institute-Department of Science and Technology (FNRI-DOST), isa sa bawat apat na Filipino ay may hypertension o high blood pressure kung kayat nagiging kandidato sila sa cardiovascular diseseas.

Ang mga manginginom naman, ayon pa sa isang pag-aaral, ay pangkaraniwang nagkakaroon ng anemia, cancer, cirrhosis, dementia, depression, gout, nerve damage, pancreatitis at iba pa.

“Many of these disease are preventable if there is a clean surroundings and proper healthy lifestyle is observed,”katuwiran ni Villar.

Binigyang diin ng senador, na hindi dapat ito ipagwalang-bahala ng gobyerno at marapat lamang na mabigyan ng solusyon ang naturang problema at gumawa ng hakbang upang mapigilan ang paglobo ng mga Pinoy na nagkakaroon ng karamdaman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply