5-anyos bata ginilitan ng ginutom na nanay

PATAY ang isang 5-anyos na batang lalaki makaraang gilitan ng kanyang sariling ina sa Antipolo kanina lamang.

Agad namang nadakip ang suspek na si Rosalia Galuran, 36, nakakulong na sa Antipolo Police Station.

Sa imbestigasyon, isang Ana ang pansamantalang kumupkop sa mag-ina nang makita ang dalawa sa Antipolo na nakaupo lamang sa isang bangketa.

Ilang oras pa ay narinig na lamang niya ang malakas na iyak ng bata hanggang sa manahimik ito.

Nang tunguhin ang mag-ina ay nakita niya ang bata na nakahandusay sa banyo at wala nang buhay.

Kinumpirma naman ng tatay ng suspek na si Mang Raul na posibleng sinumpong ng sakit sa pag-iisip ang anak nang malipasan ng gutom.

Inamin din nitong minsan nang na-confine sa ospital ng may sakit sa pag-isip ang anak makaraang mawala sa sarili nang mamatay ang kanyang mister.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply