5 articles of impeachment binawi ng prosekusyon

TINAPOS na ng prosekusyon ang paghahain ng ebidensiya sa lima pang articles of impeachment laban kay Supreme Court (SC) chief Justice Renato Corona.

Sa ika-dalawampu’t limang araw ng Impeachment trial kay Corona, iginiit ni lead prosecutor Neil Tupas na binabawi na nila ang paghahain ng mga ebidensiya sa limang articles of impeachment kabilang na ang article 1, 4,5,6 at 8.

Katwiran ni Tupas, umabot na sa 25 witnesses ang kanilang naiharap habang 395 documents naman at matibay na itong basehan para ma-impeach si Cj Corona.

Nais pa sana ng prosekusyon na maiprisinta ang ebidensya kaugnay sa dollar accounts ng Punong Mahistrado.

Nauna na ring nag–ruling ang impeachment court na kung saan pinaboran ang TRO ng Korte Suprema para pagbubukas ng dollar accounts ni CJ Corona bunsod na rin sa ipinaiiral na foreign currency act.

Sa kasalukuyan, tatlong articles of impeachment lamang ang natapos ng prosekusyon, ang articles 2, 3 at 7.

Bunsod nito, hiningi naman ni Presiding Judge Juan Ponce enrile ang mosyon ng prosekusyon para sa kanilang pagwi-withdraw  ng paghararap ng mga testigo na may kinalaman sa limang nabanggit na articles of impeachment.

Ang panig naman ng depensa ang maghaharap ng kanilang testigo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply