5 cottages nilamon ng alon sa Negros Oriental

NAG-PANIC ang mga residente dahil sa pag-aakalang pananalasa ng tsunami nang biglang lamunin ng malaking alon ang limang cottages sa Comendador Beach Resort sa Negros Oriental.

Ayon sa report, bagama’t nawasak ang mga cottage, wala namang tao na nasa loob ng mga ito.

Nagpapatuloy ang monitoring ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa mga lugar na naapektuhan ng lindol.

Hanggang ngayon suspendido pa rin ang pribado at pampublikong paaralan, sa Negros, Bacolod at Iloilo dahil sa naganap na magnitude 6.9 na lindol sa rehiyon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply