5 naaresto sa pagbebenta ng 400 kilong botcha

NAARESTO ang limang vendor kabilang ang isang 17-anyos na binatilyo matapos na mahuling nagbebenta ng  karneng bocha sa Tondo, Maynila kagabi (Pebrero 22).

Dinala ang  mga suspek sa Manila Police District Station 1  nang makuha sa kanilang pag-iingat ang may 400 kilo ng bocha sa may Brgy.101 Rd.10  Smokey Mountain, Vitas, Tondo, Maynila.

Nabatid na ang nasabing bocha ay dadalhin sana sa palengke sa Divisoria upang ibenta sakay ng isang van at tricycle nang masabat ito ng pulisya.

Pinangunahan naman ni P/Chief Inspector Elmer Vergara ,hepe ng Smokey Mountain PCP  ang  nasabing operasyon.

Ayon kay Vergara, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa gaganaping delivery ng nasabing bocha sa palengke ng Divisoria kaya agad silang nagsagawa ng operasyon.

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang ginagawang pag-iinspeksyon ng mga tauhan ng National Meat Inspection Service (NMIS) sa mga pangunahing palengke  upang matiyak na walang naipupuslit na bochang karne  na ibinebenta rito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply