5 OFW arestado sa Saudi

DAHIL sa pangungulila at pagnanais na makasama na ang kanilang pamilya at makabalik na ng Pilipinas, limang overseas Filipino workers (OFW) ang nakapiit hanggang ngayon makaraang madakip  ng Saudi official nang mabuko ang plano nilang dumaaan sa backdoor exit o iligal na paglabas sa Taboo, Saudi Arabia.

Base sa impormasyon napilitan ang mga Pinoy na gumamit ng backdoor exit dahil sa undocumented ang mga ito.

Kinilala naman ng Migrante Middle East (MME) chapter mula sa Kapatiran sa Gitnang Silangan (KGS) ang mga  naturang OFW na naaresto ng Saudi Immigration officers na sina Reynard Perocho, Roberto Rufino, Nardiana Perfecto, Oscar Mangahas at Benedicto Dela Cruz.

Ayon kay Eric Jocson, spokesperson ng KGS, ang limang OFW ay napilitan na humingi ng tulong sa isang fixer na Pinoy upang mabilis na makabalik ng Pinas ngunit hindi pa nakabibiyahe ang mga ito pabalik ng bansa gamit ang backdoor exit at makikipagpulong pa lang sa naturang fixer ay agad nang dinampot ng Saudi authority ang mga nabanggit na Pinoy.

Bukod sa pagkakakulong,  hindi pa nila nakuha ang ibinayad na  1,500 hanggang 2,000 Saudi real sa fixer na naglahong  parang bula.

Panawagan naman ng KGS sa gobyerno na matulungan ang lima upang makalaya at makauwi ng bansa. Johnny F. Arasga

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply