5 timbog sa pagbenta ng Ramgen-Janelle sex video

NAARESTO ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detective Group (PNP-CIDG) ang limang hinihinalang nagbebenta ng sex video ng napaslang na si Ramgen Revilla at girlfriend nitong si Janelle Manahan.

Nadakip ng PNP-CIDG ang mga suspek sa isang commercial complex sa Cainta, Rizal.

Nahaharap  ngayon ang limang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act.

Ipinabatid naman ni Police Supt. Emma Libunao ng CIDG Women and Children’s Protection Division na patuloy ang kanilang kampanya laban sa mga nagkakalat ng kopya ng Ramgen-Janelle sex video. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply