500 MMDA traffic enforcer nakakasa na sa MC lane

UMAABOT sa 500 Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcer ang ipapakalat ngayong araw sa kahabaan ng EDSA para sa ganap na implementasyon ng motorcycle lane.

Simula ngayong araw, huhulihin na at titiketan ng MMDA ang lalabag sa motorcycle lane na ipinapatupad sa kahabaan ng EDSA.

Maagang ipinakalat ang mga kawani ng MMDA simula EDSA Taft hanggang EDSA sa Balintawak, upang mag-monitor sa mga nagmo-motorsiklong lalabag sa mga ipinagbawal ng ahensiya tulad ng pagbi-biyahe ng walang helmet, naka-tsinelas, walang plaka at iba pa.

Pagmumultahin ang mga lalabag mula P500 hanggang P2,000.

Gayunman, hindi muna pagmumultahin ang mga mahuhuling naka-sando at naka-shorts dahil sa ibinabang temporary restraining order (TRO) ng korte.

Noong nakarang linggo, nagsagawa ng dry run ng motorcycle lane ang MMDA at daan-daang motorista na ang nahuli nito at sumailalim sa seminar. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply