5,000 bagong linya ng taxi binuksan ng LTFRB

NAGBUKAS ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng  may 5,000 panibagong linya o prangkisa para sa air-conditioned taxicabs.

Sa isang  Memorandum Order na ipinalabas ni LTRB Chairman Jaime “JJ” Jacob, hinihintay na lamang nila na pirmahan ito ni Department of Transportation and Communications Undersecretary for Project Implementation, Road Transport and Special Concerns, Efren Moncupa at Undersecretary for Legal Affairs Jose Lotilia.

Ang mga bibigyan ng prangkisa ay kailangang gumagamit ng Liquefied Petroleum Gas (LPG), Compressed Natural Gas (NCG) o Electric Energy compliant engines bilang pagtalima sa environment friendly program ng gobyerno at makatipid sa gastusin ng mga motorista sa gasoline.

Kailangan lamang anya na ang aplikante ay may 20 units ng sasakyan at magbabayad ng P30,000 kada unit sa ahensya.

Batay sa record ng LTFRB, mayroong 40,000 taxi units ang awtorisado ng ahensiya na mag operate mula taong 1987 hanggang  2002.

Noong  December 2011 ay may  26,000 units ang nananatiling nag ooperate . May  14,000 taxi units ang hindi na nairehistro ulit. Alex Ching

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply