53-anyos na Medical Act lulusawin na

HINILING ni Senador Antonio F. Trillanes IV sa Senado na aprubahan ang panukalang batas na magsasaayos sa pag-aaral ng medisina sa bansa at sa pagkuha ng lisensya ng mga doktor sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Republic Act 2382 o Medical Act na ipinatupad noon pang 1959.

“Needless to say, there is an imperative need to enact the measure to update and modernize the law governing the medical profession and the study and practice of medicine in the country,” ani ni Trillanes sa kanyang sponsorship speech.

Layunin ng Senate Bill No. 3137 na isailalim ang Accredited Professional Organization (APO) sa Professional Regulatory Commission (PRC) sa halip na sa Philippine Medical Association na nakasaad sa batas.

Ayon kay Trillanes, tagapangulo ng Senate committee on civil service and government reorganization, ilang pagbabago ang minumunkahi ng Senate bill para sa pagtataas at pagsasaayos ng pag-aaral ng medisina, kasama na ang internship at training; proseso ng pagkuha ng lisensya at registration;  pagsu-supervise at control ng praktis ng medisina; integration ng medical profession; at pag-unlad ng professional competence at ethical standards sa pamamagitan ng mandatory continuing professional medical education.

Isinama din sa panukalang batas ang policy of foreign reciprocity na nagbibigay pahintulot sa mga doktor mula sa ibang bansa na mag-praktis dito sa bansa, kung mayroong ding parehas na pribelehiyo ang mga Pilipinong doktor sa kanilang pinanggalingang bansa. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply