54 OFW mula Lebanon balik-Pinas na

MATAPOS tustusan ng pamahalaan ng Pilipinas ang kanilang pamasahe pabalik ng bansa, dumating na kaninang umaga sa bansa ang 54 na kababaihang overseas Filipino worker (OFW) mula sa bansang Lebanon.

Dakong alas-10:00 ng umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang Gulf Airlines flight GF 154 na sinakyan ng mga OFW na kabilang sa mga naipit sa kaguluhan sa bansang Lebanon.

Kaaggad namang ipinabatid kina Department of Labor and Employment (Dole) Secretary Rosalinda Baldoz at Administrator Carmelita Dimzon ng Overseas Workers Welfare Administrator (OWWA) ang pagbabalik sa bansa ng mga Pinoy worker kaya’t nabigyan kaagad sila ng kaukulang ayuda.

Sinabi ni Dimzon, na inasikaso nila ang mga kaukulang proseso na kinakailangan sa immigration at customs upang hindi na magtagal pa sa pambansang paliparan ang mga umuwing OFW.

Pansamantalang manunuluyan ang mga OFW sa Halfway Home ng OWWA bago pauwiin sa kani-kanilang pamilya.

Idinugtong pa ni Dimzon na nagsagawa rin sila ng stress debriefing at counselling sa mga umuwing manggagawang Pinay, kasabay ng pag-aalok sa kanila na lumahok sa Reintegration program na handa silang pautangin ng puhunan upang makapagtayo ng sariling negosyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply