6 seconds cellphone call pinaboran ng CA

PUMABOR ang Court of Appeals (CA) sa nais ng National Telecommunications Commission (NTC) na singilin lamang ang mga subscriber sa kada anim na segundo sa bawat tawag sa cellphone.

Sa kasalukuyang umiiral na per-minute system, kahit wala pang isang segundo ang tawag ay nasisingil na ito ng katumbas  sa isang minuto.

Ayon sa NTC, hindi sapat ang  unlimited promo ng telecommunication companies dahil hindi naman napapakinabangan ng lahat ng subscribers.

Ikinatuwa naman ng karamihan sa  subscribers ang desisyon, lalo na sa mga naka-prepaid at marami ang umaasa na hindi na pipigilan ng telcos ang pagpapatupad ng bagong billing system.

Pero sa kabila nito, tumanggi muna ang Globe Telecom na magbigay ng pahayag tungkol sa inilabas na desisyon ng CA, habang ang Sun Cellular ay hindi pa natatanggap at nababasa ang desisyon.

Pinag-aaralan naman ng  Smart Communications na  iakyat ang kaso sa Supreme Court.

May 30 araw lang ang telcos na  iapela ang nasabing kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply