663 riders nasampolan sa paglabag sa ‘bike lane sa EDSA’

UMABOT 663 motorcyclist ang nasakote ng Traffic Enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa panimula ng pagpapatupad ng motorcycle laneists kaninang tangahali sa EDSA.

Ngayong araw ang unang araw sa isang linggong “dry run” sa pagpapatupad ng motorcycle lanes sa EDSA.

Ayon sa MMDA, ang mga nasakote ay binigyan ng 15-minutong roadside safety lectures, 95 rito ay hinarang sa Roxas Boulevard, 385 naman sa San Simon, samantala 31 sa Timog Avenue, 80 naman sa White Plains, at 72 sa Orense Street malapit sa main office ng MMDA sa Makati City.

Personal na pinangunahan ni MMDA chairman Francis Tolentino ang pagsisimula ng motorcycle lane sa EDSA alas-6 ng umaga sa Orense St.

Ipinaliwanag ni Tolentino na ang mga nadakip sa dry-run ay hindi pa bibigyan ng traffic violation receipt pero haharap sa 15-minutong road safety seminar.

Ang seminar ay gagawin mismo sa area sa EDSA malapit sa Roxas Boulevard, Orense St., White Plane Avenue, Timog Avenue at Quezon Avenue.

Makaraan ang 15-minutong seminar, sinabi ni Tolentino na lalagyan ng personel ang motorsiklo ng hugis pusong sticker na may logo ng MMDA na nakasulat ang “Certified Motorcycle Rider” at “Disiplinado Ako.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply