685,627 pasahero naitala kahapon ng LRTA

MATAAS na bilang ng commuters ang naitala kahapon ng Light Railway Transit Authority (LRTA) matapos ang isinagawang Grand Evangelical Mission ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Luneta Grandstand.

Ayon kay LRTA spokesperson Atty. Hernando Cabrera, umabot sa 685,627 ang mga pasaherong sumakay sa biyahe ng line 1 ng light rail transit (LRT) mula Baclaran hanggang Roosevelt na mas mataas kumpara sa naitala nilang rekord noong Enero 9 sa araw ng Pista ng Itim na Nazareno.

Sanhi ng hindi maawat na pagdagsa ng mananakay, nagpasya pa ang pamunuan ng LRTA na palawigin ang oras ng kanilang biyahe ng line 1 ng hanggang alas-10:30 ng gabi, habang ang kanilang line 2 mula Recto hanggang Santolan ay pinalawig ng hanggang alas-11 ng gabi.

Sa kabila ng pagsisiksikan paakyat pa lamang sa mga train stations, mula Baclaran hanggang Central Station, minabuti pa rin ng mga mananakay na magtiyaga at makipagbalyahan sa kapwa pasahero sanhi na rin ng napakasikip na daloy ng trapiko sa kahabaan ng Taft Avenue mula Pasay City hanggang sa Monumento sa Caloocan City.

Ilang mga mananakay naman ang nagtiyaga na lamang maglakad patungo sa mas maluwag na train stations habang maraming mga dumalo sa isinagawang evangelical mission ang nagpasyang maglakad na lamang sa halip na makipagbalyahan sa kapwa mananakay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply