7-anyos todas sa ininom na cough syrup?

INIIMBESTIHAGAN ngayon ng Manila Police District(MPD) ang pagkamatay ng isang pitong-taong gulang na batang lalaki na namatay matapos na painumin ng “cough syrup” kaninang umaga sa Sta. Mesa, Maynila.

Isinugod pa sa Ospital ng Sampaloc ang biktimang si Neil John Picoc, grade 1 pupil ng 3551 Buenos Aires St., Sta Mesa, Maynila ngunit namatay din ito habang nilalapatan ng lunas.

Ayon kay SPO1 Ramir Dimagiba ng MPD-homicide section, dakong 10:00 ng umaga nang naganap ang insidente sa harapan ng bahay ng isang Rodante Dela Cruz, 71, sa 3596 Paraiso St., Sta Mesa, ng naturang lungsod.

Nabatid na naglalaro ang biktima kasama ang ilang bata nang mapansin na inuubo ito kaya dinala siya sa bahay ni Dela Cruz at sinabi ang kanyang karamdaman.

Agad namang kumuha ng gamot si Dela Cruz at pinainom ng isang kutsarita ang bata ngunit pagkalipas ng ilang minuto ay biglang nakaramdam ng pagkahilo at iniyuko ng biktima ang kanyang ulo saka bumagsak.

Tinawag naman ni Dela Cruz ang kanyang anak na nurse na si May Charice at binigyan ng first aid ang bata bago itinakbo sa nasabing pagamutan ngunit hindi rin ito nailigtas ng mga doktor.

Si Dela Cruz ay kusa namang nagpaimbestiga at isinumite ang gamot na ipinainom nito sa bata.

Gayunman, inaalam pa ng pulisya kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply