7 classrooms sa Pampanga nilamon ng apoy

TINATAYANG pitong silid-aralan ng Angeles City National High School sa Pampanga ang nasunog kaninang alas-6:30 ng umaga, Pebrero 10.

Nabatid na umabot sa ikalawang alarma ang sunog ngunit naapula rin makaraan ang 15 minuto.

Ayon kay Angeles City Mayor Edgardo Pamintuan, magtatayo sila ng tent para sa 385 graduating students na naapektuhan ng sunog.

Inako naman ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII)-Angeles chapter na sila na ang magpapagawa ng mga nasunog na classroom.

Dahil sa naturang sunog, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa naturang paaralan habang wala namang naiulat na nasaktan o nasugatan sa insidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply