700 kilo ng frozen meat nasabat sa Pasay

NAKUMPISKA ng mga tauhan ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang tinatayang mahigit kumulang sa 700 kilo ng frozen meat na tangakang ibenta sa loob ng Pasay Public Market kaninang madaling-araw.

Sa panayam kay  Dr. Claro Morante, supervising meat control officer, hindi angkop ang pamamaraan sa paghawak g ng mga processed at frozen meat at maraming puwesto rin ang lumabag sa panuntunan ng NMIS.

SA pagtataya ni Dr. Morante, umabot sa halos isang tonelada ang nakumpiskang karne ang kanilang nakumpiska at dadalhin sa rendering facility ng NMIS sa Quezon City at maaring gawing pataba.

Kaugnay nito, pumalag naman ang mga meat vendors dahil sa patakarang pinaiiral ng NMIS sa pangungumpiska ng frozen meat.

Ikinatwiran pa ni Gng. Aida Ramos, isa sa meat vendor na tumatalima sila sa alituntunin ng NMIS, nakataon lamang na ilalagay pa lamang nila sa storage ang mga karne nang dumating ang mga tauhan at kinumpiska ang paninda. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply