Update:776 aftershocks naitala sa W.Visayas

UMABOT na sa 776 ang naitatalang aftershocks ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) makaraan ang magnitude 6.9 na lindol kahapon sa Dumaguete City at mga karatig na lugar hanggang kaninang alas-6:00 ng umaga.

Nabatid kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, pinakamalakas sa mga aftershocks na ito ay naitala kagabi, habang inaasahan pa rin ang karagdagang mga pagyanig hanggang sa susunod na linggo.

Ngunit pinawi naman ni Solidum ang pangamba ng publiko sa posibilidad ng mas malakas pang aftershocks dahil karaniwan naman itong mas magiging mahina kumpara sa unang pagyanig nito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply