75.8M walang trabaho sa buong mundo

UMABOT na sa 75.8 milyon ang bilang ng mga walang trabaho sa buong mundo batay sa United Nations World Youth Report.

Base pa rin sa ulat, lumalala na ang global youth unemployment rate, mas malala pa sa record noong 2009 dahil tumaas ito ng 12.6 porsiyento noong 2010 kumpara sa adult unemployment rate na 4.8 porsiyento.

Tinatayang tumaas ang youth unemployment rate dahil sa tinatawag na global economic crisis at mababang kalidad ng edukasyon sa sistema ng mga pampublikong eskuwelahan.

Anila, kadalasang ang mga graduate sa private school ang natatanggap sa trabaho dahil mas maganda ang training sa mga ito.

Kulang din umano ang training ng mga non-formal at vocational education kaya hindi makakita ng trabaho ang mga kabataan.

Ani UN Secretary-General Ban Ki-moon, ngayon ang panahon na napakarami ng kabataan at sila ang higit na nangangailangan ng trabaho.

Ngunit dahil wala silang kakayahan, hindi umano sila makakilos ayon sa dapat nilang gawin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply