8-anyos nahulog sa school service sa Kyusi

AKSIDENTENG nahulog mula sa sinasakyang school service ang isang 8-anyos na estudyante sa Mindanao Avenue, kanto ng North Avenue, Quezon City.

Nabatid na pakanan na sa Mindanao Avenue mula North Avenue ang school service, nang mahulog si Joshua Baobao na nakapwesto sa likurang bahagi ng sasakyan.

Agad namang isinugod sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktima na pinaniniwalaang na-dislocate ang kaliwang balikat.

Ayon sa mga nakasaksi, mabilis ang takbo ng jeep na minamaneho ni Benito Collantes, na hindi pa napansin na nahulog na ang kanyang sakay kung hindi pa sinigawan at harangin ng mga tricycle driver sa lugar.

Sinasabing hindi rin nakasara ang pinto sa likod ng jeep.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply