8-anyos nakuryente sa La Union, patay

HINDI na umabot pa sa ospital ang 8-anyos na lalaki makaraang makuryente sa Brgy. Paringao, Bauang, La Union.

Nabatid mismo sa panayam sa radyo kay Analyn, ina ng biktimang si Mark Fratesa, Grade 3 pupil, na habang naglalaro ang kanyang anak ay nahawakan nito ang kable ng kuryente.

Dahil dito, nasugatan at nawalan ng malay ang biktima.

Agad namang isinugod sa Ilocos Training and Regional Medical Center ang naturang bata ngunit idineklara ng mga doktor na dead on arrival na ito.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply