8 article of impeachment pangit! – Fariñas

AMINADO ang isang miyembro ng prosekusyon na “pangit ang pagkakasulat” sa walong article of impeachment.

Tahasang inamin ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas kay Presiding Judge Juan Ponce-Enrile sa kasagsagan ng impeachment trial na hindi siya lumagda sa impeachment dahil bukod sa “slow reader” siya ay pangit din ang pagkakasulat nito.

“Hindi po ako katulad ng ibang mga kasama ko na fast reader. Anyway marami naman po ang 188 na lumagda rito,” sinabi pa ni Fariñas.

Aminado rin si Fariñas na mali ang itinatawag sa kanila na prosecutors dahil ang totoo aniya ay “manager” ang dapat itawag sa mga nagsusulong ng impeachment.

“Matagal ko na pong sinabi iyan sa kanila pero nasabayan po ito ng impeachment laban kay dating Ombudsman Merceditas Gutierez,” paliwanag pa ni Fariñas.

Dinismis ang paglilitis kaninang hapon bandang 5:20 at muling itutuloy bukas ng alas 2:00 ng hapon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply