8 dayuhang minero nasabat sa E. Samar

WALONG dayuhan ang inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa lalawigan ng Eastern Samar habang nagmimina nang walang kaukulang permiso mula sa kawanihan.

Sa isang kalatas, pinasalamatan din ng kawanihan ang mga lokal na mamamayan sa Barangay Caradapan, Eastern Samar sa pakikipagtulungan ng mga ito upang masakote ang dayuhan habang nasa loob ng Yinshu Mining Corporation at Din Shing Mning Incorporated.

Kinilala ni Immigration Commissioner Ricardo David, Jr. ang mga dayuhan na sina Xue Guanghu, Enqing Xie, Lou Zheng Nan, Hong Bing Yin, Dong Chunhui Li Shaohua, Zuang Guangyu, and Mo Jiacheng.

Ipinalabas ni David ang mission order para sa ikadarakip ng mga dayuhan bunsod na rin ng impormasyong natanggap ng tanggapan nito hinggil sa presensiya ng mga banyaga sa nasabing barangay.

Aniya, walang maipakitang work permits ang mga dayuhan, malinaw na paglabag sa batas.

Nagbabala rin si David sa mga dayuhan na nais magtrabaho sa Pilipinas na kumuha ng alien employment permit mula sa Department of Labor and Employment at working permit naman sa immigration bago pumasok sa isang trabaho. Freddie Cortez

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply