80 pa ang nawawala sa landslides sa Negros O.

PINANINIWALAANG aabot sa 80 pa ang nawawala sa pagguho ng lupa sa isang siyudad at isang munisipalidad sa Negros Oriental.

Base sa panayam kay Negros Oriental Governor Roel Degamo sa dzMM, tinatayang 40 pa ang iniulat sa kanyang nawawala sa Barangay Planas sa Guihulngan City habang 40 rin sa Sitio Hamugdungon, La Libertad.

Dagdag pa ni Degamo, nagpadala na sila ng rescue team sa naturang mga lugar para tumulong sa Philippine Army sa ginagawang search and rescue operations.

Base naman sa pinakahuling datos ng Office of Civil Defense (OCD) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PRDRRMC), umabot sa 13 ang nasawi sa Negros Oriental.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply