9-anyos babae pisak sa trak sa Misamis, Oriental

PISAK ang 9-anyos na babae matapos masagasaan ng rumaragasang van sa Gingoog City, Misamis Oriental.

Kinilala ang biktima na si Maria Fe Ilok, ng Lunao, nasabing lungsod.

Nabatid na nagawa pang maisugod ang bata sa Northern Mindanao Medical Center pero hindi na rin naisalba ng mga doktor.

Ayon sa ina ng biktima, inutusan lang niya ang anak na kunin ang kanilang pananghalian pero hindi na ito nagawa dahil sa pagsulpot ng rumaragasang sasakyan.

Sa lakas ng impak ay tumilapon ang bata sa gilid ng daan at nagtamo ng maraming sugat sa katawan.

Nanawagan naman ng hustisya ang ina ng biktima habang nakakulong ngayon ang suspek sa Gingoog PNP detention cell.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply