UPDATE: 9 mediamen na napaulat na na-hostage stranded lang — militar

NA-STRANDED lamang at hindi na-hostage ang siyam na miyembro ng media, sa may Sitio Balabag, Barangay Bitore, Bayug, Zamboanga del Sur.

Ito ang ginawang paglilinaw ng militar base sa isinagawa nilang imbestigasyon sa naturang hostage-incident.

Paglilinaw pa ni Philippine Army spokesman Major Harold Cabunoc, nagkaroon ng landslide sa lugar kung kaya’t hindi nakadaan ang grupo.

Unang napaulat na nagtungo ang grupo ng mamamahayag, human rights advocate at ilang mga sibilyan para i-cover ang sinasabing illegal mining activities sa lugar at may on-going demolition na isang legal na hakbang.

Kaninang umaga, napaulat din na dinukot umano ang grupo ng media sa Zamboanga City.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply