9 Pinoy pasok sa Round of 64 ng World 8-Ball C’ship

UMIBABAW si reigning National Open champion Carlo “The Black Tiger” Biado kontra kay Francisco Diaz-Pizarro ng Spain, 7-2, habang nagpakitang gilas din ang kababayan na si Roberto “Pinoy Superman” Gomez kontra kay Luke Rollinson ng Great Britain, 7-3, sa Group M tungo sa pagtapak sa Last 64 ng 2012 World 8-Ball Championship na ginanap sa Fujairah Tennis and Country Club sa Fujairah, United Arab Emirates kahapon (Pebrero 14).

Nakapasok din si Raymund Faraon sa main draw matapos niyang pagulungin si Ahmed Al Hosani ng UAE, 7-1, at Nick Van den Berg ng Netherlands,7-4, sa Group N, habang angat din si Demosthenes “Plong-Plong”Pulpul kontra kay Albin Ouschan ng Austria, 7-6, sa kanilang do-or-die match sa Group J.

Pasok din si Elmer Haya na winasiwas naman si Yousfi Chaouki ng MAR, 7-5, sa Group D at Elvis Calasang na nagpatiklop kay Al Howri Hanni ng UAE, 7-5, sa Group F.

May kabuuang siyam na Filipinos na nirendahan nina defending champion Dennis “Robocop” Orcollo, Lee Vann “The Slayer” Corteza at Joven “Snooker Specialist” Alba ang nanguna sa Last 64, single round, race-to-11 knockout format na may pabuyang $156,000 total prize. Ang magkakampeon ay tatangap ng $20,000 cash purse. Liberty Icao

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply