9 vintage bomb nahukay sa Las Piñas

NAHUKAY ng mga construction worker ang siyam na pirasong kinakalawang ng bomba o vintage bomb sa itatayong bagong gusali ng isang paaralan sa Las Piñas City kahapon (Pebrero 21).

Nadiskubre ang mga bomba nang umabot na sa apat na talampakan ang lalim ng hinuhukay na paglalagyan sana ng poste ng itatayong bagong gusali ng Central Elementary School sa Barangay Elias Aldano dakong alas-2:00 ng hapon sa naturang lungsod.

Ayon kay Las Piñas police chief Sr. Supt. Romulo Sapitula, magkatuwang na hinuhukay nina Renato Gallo, 42, at Leonardo Petiluna, 35, kapwa construction worker, ang lupang pagbabaunan ng poste bilang pundasyon nang mahukay ang unang anim na kinakalawang ng bomba.

Kaagad nilang ipinabatid sa pulisya ang pagkakadiskubre sa anim na bomba kaya’t nagresponde ang mga tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team hanggang sa mahukay pa ang tatlong kinakalawang rin na vintage bomb.

Inilagak na sa pangangalaga ng SWAT ang nahukay na bomba habang inabisuhan naman ng pulisya ang mga construction worker na mag-ingat sa paghuhukay dahil baka may nakabaon pang mga vintage bomb sa naturang lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply