9 vintage bomb nahukay sa Pangasinan

NAHUKAY ng isang residente ang siyam na vintage bomb habang naghuhukay ng kamoteng kahoy sa Alaminos, Pangasinan.

Agad naman umano itong ipinagbigay alam sa himpilan ng Alaminos PNP kaya kaagad itong nirespondehan.

Sa pangunguna ni P/Supt. Noel Vallo ng Explosive and Ordinance Division (EOD) ay pinangsiwaan ang pagpapatupad ng seguridad sa nasabing nahukay na bomba.

Sinabi naman ni P/Supt. Benjamin Ocomen, Police Community Relations officer sa PNP Provincial Office, na agad ipaalam sa awtoridad ang ganitong pangyayari upang agad na ma-dispose at huwag basta galawin dahil posible itong magdulot ng aberya kapag sumabog.

Sa report, nagkukuhay umano ng kamoteng kahoy ang nasabing residente mula sa Brgy.Telbang, Alaminos, Pangasinan nang mahukay ang nasabing mga bomba. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply