Abogado ni CJ Corona, nangangatog na nga ba?

TULUYAN na raw nasasaktan ang depensa sa impeachment trial kaya ginagamitan na nila ng intriga ang mga prosecutor para nga naman iligaw ang atensyon ng publiko sa kaso na kinasasangkutan umano ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona, ito ang pahayag ni House Floorleader Neptali Gonzales.

Halatang-halatang nasaktan ng todo kaya mapapansin kung ano-ano na ang isyu na ibinabato sa mga miyembro ng prosecution kabilang na ang pagkalkal sa milyones na ari-arian ng mga ito.

Bukod pa roon ay pinalitaw pa sa isang online survey na nagsasabing mas maraming Pinoy ang gustong ma-acquit si CJ Corona.

Pero inihalintulad lang ng mga prosecution ang bombang ipinasabog ng depensa sa isang bombang supot.

Pati tuloy Malacañang ay nakisawsaw na sa isyu na masyado pang maaga para husgahan ang kahihinatnan ng paglilitis.

Aba’y kung tutuusin ay nasa unang baitang pa lamang ito. Kumbaga hindi pa pinagpapawisan ang mga prosecution para husgahan kaagad ito.

Mas lalong nabaon ang depensa ng umentra na itong si Ilocos Norte Representative Rodolfo Fariñas na kumalkal sa mga pro-bono lawyer o nagbigay ng libreng serbisyo kay Chief Justice Corona.

Hindi naniniwala ang mga prosecution na libre ito kaya sinisilip nila ang mga prosecution kung ano talaga ang motibo ng mga ito.

Sa impeachment trial na ito ay bigong-bigo ang depensa ni CJ Corona na makontra ang kahit isang ebidensya ng prosekusyon laban sa punong mahistrado kahit beterano at mahuhusay ang mga inarkilang abogado o taga-depensa.

FREEDOM OF INFORMATION

Lubhang matindi at hindi matatawaran ang paninindigan ni Pang. Noynoy Aquino sa pagsusulong ng malinis at matinong pamahalaan at patunay ang isinumite na bersyon ng Freedom of Information (FOI) Bill.

Sa bersyon ng Malacañang  obligado ang Pangulo, Bise-Pangulo, mga miyembro ng Gabinete, kongreso at Supreme Court na ilagay sa kani-kanilang website ang SALN.

Kasama na ang iba pang mga Constitutional Commission at military.

oOo

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply