ABS-CBN cameraman ginisa ni Cuevas

HINDI nakaligtas sa panggigisa ni dating Justice Serafin Cuevas ang cameraman ng ABS-CBN sa pagpapatuloy ng ika-24 araw ng impeachment trial laban kay CJ Renato Corona.

Unang inalmahan ng panig ng depensa ang pagpapakita ng video ng press conference ni Supreme Court (SC) Spokesman Midas Marquez.

Ayon kay Cuevas, hindi nila makita ang kaugnayan ng video sa tinatalakay na kaso ni Corona.

Wala namang mapiga sa cameraman ng ABS-CBN na si Edmund Llosola nang sabihin nitong wala siyang alam sa sinasabing TRO sa tangkang pag-alis sana palabas ng bansa ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na kanilang ikinober kasama ang kanyang reporter, unang inilabas ni Corona.

Pinayagan din ng depensa na ituloy na lamang bukas ang pagpapatuloy sa cross examination sa testigo ng prosekusyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply