Active LPA posibleng maging bagyo

MALAKI ang posibilidad na maging ganap na bagyo ang binabantayang active low pressure area (LPA) sa bahagi ng Mindanao.

Kung hindi magbabago ng direksyon ng active LPA ay posibleng tumama ito sa kalupaan ng Silangang bahagi ng Mindanao sa susunod na 48 oras.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services (PAGASA), dahil sa active LPA ay magiging maulan ang Visayas at Mindanao.

Sakaling maging ganap na bagyo ang active LPA ay tatawagin itong “Ambo” na syang magiging unang bagyo ng bansa ngayong 2012. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply