Actor-politician babaero at sugarol

HABANG papalapit ang eleksyon, naghahanda ang dating actor-politician para makabalik sa kanyang puwesto dahil natalo siya noong nakaraang eleksyon.

Pero ang masakit nito, mukhang malabo siyang makabalik dahil sa bisyo niya sa pagsusugal sa casino gabi-gabi at babaero pa.

Pero walang dudang sikat ang aktor na ito dahil magpahanggang sa ngayon ay aktibo pa ito sa telebisyon at pelikula.

Ang dapat niyang gawin ay tumigil sa kanyang mga bisyo kung gusto niyang makabalik sa puwesto. Ang masakit pa nito, hiwalay na siya sa kanyang asawang artista.

Madalas rin kasi itong nakatambay sa isang sikat na hang-out sa Makati kung saan maraming mga tambay na bebot.

000

WALANG duda na number one noontime show ang Eat Bulaga. Lahat ng tumapat sa nasabing show ay nagsara, patunay lamang na hindi pa isinisilang ang tatalo kina Tito, Vic at Joey.

Patok kasi ang kanilang mga portions lalo na ang Juan For All, All for Juan Sugod Bahay na hatid sa inyo ng Coke at Puregold kung saan maraming mga kababayan natin ang nagkakapera araw–araw sa segment na ‘to ng Eat Bulaga na umiikot sa buong Bansa para mamigay ng blessings.

Kaya suportahan natin ang Eat Bulaga mula Lunes hanggang Sabado sa GMA7 lang Po!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply