Adoption help desk ilalatag sa mga mall

ILALATAG na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang adoption help desk sa mga mall sa bansa.

Ang hakbang na ito ng ahensya ay kasabay ng paggunita ng Adoption Consciousness Week mula Pebrero 4 hanggang 10 ngayong taon.

Layon nitong magbigay ng libreng konsultasyon sa tamang proseso ng pag-aampon ng bata.

Sa Metro Manila ay katuwang ng DSWD ang ilang non-government organization at ilang malalaking mall upang makapag-set up ng mga adoption help desk sa Linggo (Pebrero 5).

Nakasentro ang selebrasyon sa kanilang tema na “Isulong Ligal na Pag-aampon” na naglalayong palawakin ang kaalaman ng publiko sa lumulobong bilang ng mga batang iniiwan o napapabayaan ng kanilang mga magulang. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply