AFP, PNP sa ganti ng ASG: Lagi kaming handa!

LAGI kaming handa!

Ito ang pahayag ng militar at pulisya sa posibleng pagganti ng Abu Sayyaf Group (ASG) makaraang malagasan sa isinagawang operasyon ng awtoridad sa Sulu, ikinamatay ng isang ASG leader at tatlong opisyal ng Jemaah Islamiya.

Ani Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command, Commanding General Major General Noel Coballes, posible talaga ang pagganti ng bandidong grupo naman nakataas na ang alerto sa kanilang hanay maging sa kampo ng Philippine National Police (PNP).

Kahapon ay kinumpirma ni Coballes na kanilang napatay sina Umbra Jumdail, alyas Dr. Abu na may reward na $140,000, ang Malaysian na si Zulkifli Bin Hir, mas kilala sa tawag na Marwan ng Jemaah Islamiya, may patong sa ulo na $5 milyon at si Muawiyah na may reward na $50,000.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply