Aksidenteng bumagsak: abogado patay sa sariling baril

HINDI na umabot na buhay sa Davao Doctor’s Hospital ang isang abogado matapos itong matamaan ng kanyang sariling baril kagabi, Pebrero 16 sa isang gusali sa Davao City.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, hinintay umano ng kanyang asawa na isa ring abogado ang pagdating ng biktima na si Atty. Johans Peñaflor sa isang gusali kasama ang ibang mga abogado na nag-iinuman.

Nang dumating sa lugar si Johans pasado alas-7:00 ng gabi, umupo ito sa tabi ng kanyang misis ngunit nagulat na lamang ang kasamahang mga abogado nang may bigla silang narinig na putok at nakitang may dugo na sa dibdib ang biktima.

Narekober ng mga awtoridad sa crime scene ang isang 9mm rougher na baril kung saan kasama pa nito ang hindi pa nakalabas na basyo ng bala sa loob ng chamber ng baril.

Sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, aksidente ang pagkahulog ng baril ng biktima bago pa man ito pumutok.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply